May 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Mga nasawi sa pagguho sa Pampanga, 2 na; 18 nawawala, patuloy na pinaghahanap!

Mga nasawi sa pagguho sa Pampanga, 2 na; 18 nawawala, patuloy na pinaghahanap!
Photo courtesy: Philippine Red Cross (FB)

Dalawa na ang kumpirmadong nasawi mula sa pagguho ng isang nine-storey concrete building sa Balibago, Angeles City, Pampanga noong Linggo, Mayo 24, ayon sa latest update ng Philippine Red Cross (PRC) nitong umaga ng Lunes, Mayo 25.

MAKI-BALITA: 9-storey building sa Pampanga, gumuho; ‘rescue and retrieval,’ masusing isinasagawa

Saad din ng PRC sa kanilang 8:00 AM update, patuloy pa nilang pinaghahanap ang 18 na nawawala, habang 26 naman ang matagumpay nang nailigtas. 

Sa kabuoang tala, tinatayang 47 ang naapektuhan ng naging pagguho. 

Kabilang sa mga ipinadala ng PRC sa rescue operations ay ang kanilang Collapsed Structure Search and Rescue (CSSR) at Emergency Medical Services (EMS) teams mula sa Pampanga at Olongapo Chapters. 

Probinsya

Lalaking sinabihan ng pangit, nanuntok; biktimang sinapak, patay!

Kasama rin dito ang 24/7 Welfare Desk sa Ospital Ning Angeles upang makapagbigay ng Restoring Family Links (RFL) at psychosocial support sa pamilya ng mga biktima. 

Ayon naman sa Angeles City Information Office, gumagamit na rin ng iba’t ibang specialized equipment ang responders tulad ng thermal scanning technology at K9 search units upang mas mabilis na matuloy ang posibleng signs of life sa loob ng gumuhong gusali. 

Personal na ring humarap si Angeles City Mayor John Lazatin sa pamilya ng mga biktima upang magbigay ng updates, makiramay, at tiyakin ang patuloy na pagsuporta ng local government unit (LGU) sa gitna ng nagpapatuloy na operasyon.