May 25, 2026

Home BALITA National

LPA sa labas ng bansa, may tsansang maging bagyo

LPA sa labas ng bansa, may tsansang maging bagyo
COURTESY: PAGASA

May tsansang maging isang tropical depression o mahinang bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Lunes, Mayo 25.

As of 8:00 AM, huling namataan ang LPA sa layong 1,745 kilometers East of Northeastern Mindanao. 

Bagama't may kalayuan sa PAR, may tsansa ito maging bagyo sa Martes (Mayo 26) o Miyerkules (Mayo 27) at papasok ng PAR sa Biyernes (Mayo 29).

Kung sakaling pumasok ito sa bansa, tatawagin itong bagyong Domeng, ang ikaapat na bagyo ngayong 2026. 

National

'See you soon again Tatay Digong! Walang iwanan!'—Harry Roque