Binanatan ni social media personality Rendon Labador ang showbiz columnist na si Ogie Diaz nitong Huwebes, Nobyembre 9.

Sa kaniyang Facebook story, makikita ang screenshot ng kaniyang komento sa post ng isang online news platform tungkol kina Kapamilya star Andrea Brillantes at Daniel Padilla.

“Sumosobra na rin talaga si Ogie Diaz. Sana magbago ka na rin para sa Pilipinas.” saad ni Rendon.

Matatandaan kasing itsinika ni Ogie sa isang episode ng “Showbiz Updates” ang kaniyang nalaman mula sa isang impormante na palihim daw na nagkikita sina Daniel at Andrea. 

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

MAKI-BALITA: Star Magic, pinuntirya ng KathNiel fans

Kaya naman nag-alburoto ang KathNiel fans dahil dito at walang kagatol-gatol na sinabihang fake news peddler umano si Ogie.

MAKI-BALITA: Fans nagwala: Ogie Diaz trending sa X

Pati tuloy ang Star Magic na talent agency ng mga sangkot na artista ay kinakalampag na rin ng mga fans para kondenahin ang mga kumakalat ng balita tungkol sa mga ito.

MAKI-BALITA: Star Magic, pinuntirya ng KathNiel fans

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag o tugon si Ogie hinggil sa sinabi ni Rendon.