Nagbahagi ng makahulugang larawan si Kapamilya star Daniel Padilla sa kaniyang Instagram story matapos pumutok ang balita tungkol sa kanila ng kapuwa artistang si Andrea Brillantes.

Matatandaan kasing nili-link si Daniel kay Andrea at palihim pa raw na nagkikita ang dalawa ayon sa impormante ni showbiz columnist Ogie Diaz.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Nauna na ring itsinika ni Ogie na hindi umano bet makatrabaho ni Kathryn Bernardo si Andrea dahil sobrang crush umano ng huli si Daniel.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, di bet makatrabaho si Andrea Brillantes?

Pero tila keber lang dito si Daniel batay sa ibinahagi niyang Instagram story. 

Makikita kasi roon ang titulo ng film adaptation ng librong “The Subtle Art of Not Giving a Fuck” ni Mark Manson. 

Sa librong ito, itinuturo ni Mark sa mga mambabasa na upang matagpuan ang tunay na kaligayan, kailangan umanong matutuhan ng tao na ituon lang ang atensyon sa mga makabuluhang bagay at balewalain iyong mga hindi saklaw ng kaniyang kontrol. 

Kaya siguro wala pang inilalabas na anomang opisyal na pahayag, tugon, o reaksiyon ang aktor hinggil sa isyung ito.

Ang kaso, mukhang hindi nagustuhan ng isang fan ang pambabalewala ni Daniel sa nasabing isyu dahil pinaghirapan umano nina Kathryn na buuin ang pangalan nila sa industriya ng showbiz. 

Narito ang tweet ng nasabing fan sa X:

“Hindi Dapat laging ganito @imdanielpadilla ilang years nio binuo ni kath pangalan at katayuan nyo sa industrya tos hayaan nio lang sirain kau dahil sa fake news. OGIE DIAZ FAKENEWS PEDDLER #StarMagicPabaya.”

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, maging ang talent agency nina Daniel na Star Magic ay hindi pa rin nagsasalita hinggil dito sa kabila ng pangangalampag ng mga fan.

MAKI-BALITA: Star Magic, pinuntirya ng KathNiel fans