Anim na Pinoy na biktima ng human trafficking ang hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Huwebes nang tangkaing bumiyahe patungong Jordan, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Paliwanag ni BI Commissioner Norman Tansingco, pasakay na sana sa Philippine Airlines papuntang Amman, Jordan ang anim na Pinoy nang matiyempuhan ng mga tauhan ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) sa NAIA Terminal 1.

National

'Julian,' nakalagpas na malapit sa Sabtang Island, Batanes -- PAGASA

“They all claimed to be traveling together for a pilgrimage but they were unaware of their travel itinerary. They are also not known to each other,” anang opisyal.

Sa ulat ng BI, dalawa sa mga naturang pasahero ay dati nang pinigil na sumakay sa isang eroplanong patungo rin sa nabanggit na lugar nitong Setyembre dahil sa hindi magkakatugma nilang pahayag.

“Our I-PROBES found that the two passengers were supposed to join a group of 14 ‘pilgrims’ who left the country last September 27. Ten of them never returned, and are now presumably working abroad,” dagdag pa ni Tansingco.

PNA