Dumoble ang ani ng mga magsasaka sa Oriental Mindoro dahil na rin sa tulong ng hybrid rice.

Paliwanag ng Department of Agriculture (DA), bukod sa lumaki ang ani, dumoble rin ang kita ng mga magsasaka sa Gloria, Oriental Mindoro kahit sa panahon ng tag-ulan.

“Dahil sa pagtatanim ng hybrid rice, paglagay ng tamang abono, at paggamit ng makabagong paraan ng pagsasaka, lumaki ang aming ani at nadoble ang aming kita,” pagdidiin ni Leynard Pastoral, pangulo ng G. Antonino Gloria Farmers’ Agriculture Cooperative, ng Brgy. Mabuhay sa Gloria, Oriental Mindoro.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Batanes, Signal No. 4 pa rin

Aniya, pangunahing itinatanim nila ay inbred rice varieties mula pa noong 2020 hanggang 2021 kung saan aabot sa 4.6 metric tons ang kanilang produksyon kada ektarya.

Noong 2022, nagsimula nang gumamit ng hybrid rice ang grupo ni Pastoral at lumaki ng 11 metriko tonelada ang kanilang produksyon kada ektarya.

“Mula sa karagdagang kita, kami’y nakapundar para sa aming pamilya at nakabili ng mga kagamitan sa bukid, kagaya ng makinang pangbungkal ng lupa,” dagdag pa ni Pastoral.