
(Senator Mark Villar/FB)
3 high-impact projects, aprubado na ng NEDA Board
Inaprubahan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board na pinamumunuan Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang tatlong high-impact projects sa idinaos na ika-11 pagpupulong nitong Huwebes.
“The Marcos administration remains steadfast in its dedication to enhancing connectivity, ramping up employment-creating investments, and significantly improving living standards for every Filipino by ensuring the efficient implementation of these high-impact projects,” pahayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa press conference sa Malacañang nitong Huwebes.
Kabilang sa mga nasabing proyekto ang pagpapalawig ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX), pagbili ng limang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) upang mapaigting pa ang kampanya nito laban sa illegal activities at maipatupad ang batas-pandagat sa karagatang sakop ng bansa at ₱28.2 bilyong Pang-Agraryong Tulay Para sa Bagong Bayanihan ng mga Magsasaka o PBBM Bridges Project ng Department of Agrarian Reform (DAR).
“We will continue with our commitment to pursue important initiatives to ensure social and economic transformation towards a matatag, maginhawa, at panatag na buhay para sa lahat," sabi pa ni Balisacan.