Nag-post ng sweet appreciation message ang "wais na misis" na si Neri Naig-Miranda para sa kaniyang mister na si "Parokya ni Edgar" lead vocalist at "The Voice Generations" coach Chito Miranda, na may pamagat na "With my forever ❤️."

Ayon kay Neri, napakasuwerte niya dahil siya ang napangasawa ni Chito. Hindi raw ito umalis sa tabi niya at lagi siyang pinapasaya at chini-cheer up kapag pinanghihinaan na siya ng loob sa mga nangyayari sa kaniyang buhay.

"Thank you for making me happy every single day. Thank you dahil palagi kang andyan para pagtanggol ako," ani Neri.

"Everytime na [pinanghihinaan] na ako ng loob, palagi kang andyan to cheer me up. Never kang nawala sa tabi ko. I am grateful dahil ikaw ang napangasawa ko. Ang swerte swerte ko dahil may kakampi ako sa buhay."

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Thank you, Dad, for loving me. Ang sarap mo lang talagang magmahal. Gumagaan ang buhay ko dahil sayo. I love you ❤️."

Sa comment section ay mababasa naman ang tugon dito ni Chito.

"Ang tamis naman. Sana all," aniya.

Marami naman sa mga netizen ang kinilig sa kanilang dalawa.

Matatandaang isa si Chito sa dumipensa para sa misis nang ma-bash ito ng mga netizen dahil sa ₱1k weekly meal plan na kaniyang shinare sa social media.

MAKI-BALITA: Chito Miranda, sinagot ang mga basher ni Neri

MAKI-BALITA: ₱1K weekly meal plan ni Neri Miranda, hindi ‘wais’ sey ng netizens