Nagpaabot ng pasasalamat si “Asia’s Multimedia Star” at Kapuso heartthrob Alden Richards sa driver na nagngangalang Alexis Verdejolo Ohno na nagsauli umano ng cellphone ng kaniyang pinsan.

Sa Facebook post niya nitong Miyerkules, Nobyembre 8, ibinahagi niya ang kuwento ng kabutihan ni Alexis.

“This morning, pagdating ko sa gym nalaman ko na nawawala yung phone ng pinsan ko thru Kuya Den (caretaker ng gym where I work out). Since my cousin and I don’t have any means of communication, agad agad ginawa ko lahat ng way para matrace ko yung cellphone niya,” saad ni Alden sa caption ng kaniyang post.

“To cut the story short, I had a call from an unknown number, not knowing kung sino yun, sinagot ko. Nagulat ako na siya pala yung service driver na nasakyan ng pinsan ko going to the gym,” aniya.

National

FPRRD, posibleng kasuhan ng 'obstruction of justice' dahil kay Quiboloy

Dagdag pa ni Alden: “Hindi ako nagpakilala kung sino ako, pero nag-effort siya nung sinabi ko kung pwede ko bang makuha yung phone. Without thinking twice, from Bulacan bumiyahe siya papuntang Podium, dahil meron akong screenings for 5 breakups and a romance.”

Kaya ang hiling niya, sana marami pa umanong tumulad sa mga tao na kagaya ni Alexis.

“Kaya sa ‘yo Kuya Alexis Verdejolo Ohno, Mabuhay ka! Sana marami pang tao ang tumulad sayo. Maraming maraming salamat,” pahabol ni Alden.

Dahil dito, maraming netizen ang natuwa sa kabutihang ipinakita ni Alexis. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Wow! Panalo 👏 And rewards narin na makita at ma flex ng isang Alden Richards 😍”

“Sana marami pang katulad ninyo very honest i salute you sir godbless”

“You’ve done a good job Kuya!👏🫡”

“Bravo kuya 👏 🙌 😄”

“Ang mga taong ganyan may takot yan sa Dios…”

“God bless his good heart! Saludo ako sa yo kuya!!!”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, may mahigit 25k reactions at 243 shares na ang nasabing post.