Pinuri ni motivational speaker Rendon Labador ang social media personality na si Lincoln Cortez Velasquez o mas kilala bilang “Cong TV” sa kaniyang Facebook story nitong Lunes, Nobyembre 6.

 “Karamihan ng komedyante malalaki ang tiyan, i-tinaas ni CongTV ang standards #Respeto,” saad ni Rendon sa tekstong nasa Facebook story niya.

Aniya, ang pinakamahirap daw kasing gagawin ng isang tao sa buhay ay ang i-improve ang sarili nito.

Dagdag pa niya: Welcome to fitness motivation!!! Lablab ❤

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Photo courtesy: Rendon Labador (FB)

Matatandaan kasing flinex ng partner na si Viy Cortez ang topless na larawan ni Cong kung saan makikita ang resulta ng weight loss journey nito.

MAKI-BALITA: Baka tulo-laway na raw: Viy todo-flex sa bortang mapapangasawa

Pero hindi ito ang unang beses na ipinasilip ni Cong ang kaniyang body transformation mula sa pagiging dad bod. Hindi rin tuloy napigilan ni Viy na matakam sa katawan ng asawa.

MAKI-BALITA: Viy Cortez, ‘natakam’ sa body transformation ni Cong: ‘Sarap mo!’