Tila nagpahayag ng tampo ang gitarista ng bandang Rivermaya na si Perfecto De Castro o “Perf” sa kaniyang Facebook account nitong Lunes, Nobyembre 6.

“Wala sa picture, e di wala,” saad ni Perf sa caption ng kaniyang post.

Matatandaan kasing kinumpirma na ng local promoter na Live Nation Philippines sa pamamagitan ng isang social media post na magkakaroon umano ng reunion concert ang Rivermaya.

MAKI-BALITA: Rivermaya, magkakaroon ng reunion concert

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagbahagi pa nga sa Instagram ang isa sa mga miyembro ng banda ng isang nakakaantig na tribute para sa kaniyang mga kasamahan.

MAKI-BALITA: Rico Blanco, may tribute sa kaniyang Rivermaya bandmates

Pero tila nalungkot at nanghinayang ang fans dahil hindi kasama si Perf sa ibinahaging poster ng nasabing local promoter. Narito ang ilan sa kanilang mga sentimyento:

“Ay hindi pwede yan. Hindi totoong reunion”

“Sumikat ang karamihang songs ng original rivermaya dahil din sa signature solos n Perf”

“RIVERM ang bagsak KC wlang AYA🤭🤭”

“Yung authentic solo ng 214, Awit ng kabataan etc ang gusto namin marinig sir!”

“Di pa rin reunion kapag walang Perfecto na mag gi guitar solo”

“Dapat sir nanjan ka. kayo ung una at orig na line up ng R.M”

“un nga eh pano naging reunion un e dka sinama sir”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag, reaksiyon, o tugon ang concert producer hinggil dito.