₱107.5M, napanalunan sa Mega Lotto 6/45 draw
Mahigit sa ₱107.5 milyong jackpot ang tinamaan ng isang mananaya sa naganap na Mega Lotto 6/45 draw nitong Nobyembre 6 ng gabi.
Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng nasabing bettor ang winning combination na 13-31-16-01-25-10 na may katumbas na premyong ₱107,506,074.20.
Wala pang inilalabas na impormasyon ang PCSO kaugnay sa pagkakakilanlan ng nasabing mananaya.
Isa ring mananaya ang nanalo ng halos ₱100 milyong jackpot sa isinagawang Mega Lotto 6/45 draw nitong Biyernes ng gabi.
Anang PCSO, nahulaan ang 6-digit winning combination na 14-43-25-32-01-38.
Binobola ang Mega Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.