Sinita ni Kapamilya actress Chie Filomeno ang umano’y manyak na nagkomento sa Instagram post ng kapuwa niya artistang si Barbie Imperial kamakailan.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Barbie na tila siya ay nasa isang restaurant kasama ang mga kaibigan.

“proof of life ♡” saad ni Barbie sa caption ng kaniyang post.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Isang netizen naman ang nagkomento at tila hindi ito nagustuhan ni Chie. Narito ang daloy ng kanilang usapan:

“Boring di naka tupis”

“naka’tupis’ man siya o hindi, hindi siya boring. Manyak mo, umalis ka dito,” sagot ni Chie.

Sabi naman ni Barbie: “@chiefilomeno tell him chie 😋🤍”

Photo courtesy: Barbie Imperial (IG)

Pero hindi nagpaawat ang netizen at binuweltahan pa si Chie: “@chiefilomeno puro retoke ka kasi eh”

Rumesbak na rin tuloy ang iba pang mga netizen. Narito ang kanilang mga komento:

“Ikaw Ang magtupis para Masaya..hahaha”

“grabeh sya oh🙄”

“may Kapatid ka ba babae paano nasasabi ng mga ganyan”

“grabe napakahinayupak ka siraulo”

“ampanget”

“only god can judge me pa yung bio mo”

“chaka ka naman. Bash ka ngayon 😂”

“magiging manyak na nga lang mali pa spelling. Check mo muna kung tama spelling mo boi. ‘Tupis’ wth 🙄”

“‘two piece’ BOBO. mag fafantasize kana nga lang ng kamanyakan mong demonyo ka, BOBO KAPA. HAHAHAHAHAAHAH”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang dalawang aktres kung plano ba nilang magsampa ng reklamo sa nasabing netizen.