Tampok sa usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika si Kapamilya Star Andrea Brillantes nitong Lunes, Nobyembre 6.

Sa obserbasyon daw kasi ni Cristy, tila pinapasama umano ng mga tagasuporta ni Andrea ang imahe ng aktres.

“‘Yun ‘yung sinasabi natin na kapag sumusobra na talaga, may tinatawag tayong overkill. Kapag sumusobra na po ang panlalait, paninira sa kung sinoman ng panig ng sangkot na artista, mapapansin ‘yun, e,” sabi ni Cristy.

OA na raw kasi ang pambabatikos ng mga tagahanga ni Andrea sa dati niyang jowang si Ricci Rivero at kay Beauty Queen at Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista. 

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Nabigyan naman sila ng sapat na panahon, araw ng pagpapaliwanag ng kanilang mga hinanakit noong mga unang araw. Okay na ‘yun, e. Pero ‘yung walang humpay, dire-diretso. Ilang buwan nang tumatakbo e nandito pa rin, parang hindi na nga maganda naman,” saad pa ni Romel.

Dagdag pa ni Cristy: “Para silang mga boksingero noong una, e. Si Blythe saka si Ricci Rivero, di ba. Talagang higa sa lona, dapa sa lona talaga si Ricci Rivero. Pero hindi ngayon nakadapa sa lona e ganoon na lang ‘yun. Babangon at babangon pa rin hanggang hindi nauubusan ng hininga.”

Matatandaang pinutakti muli ng mga netizen sina Leren at Ricci matapos nilang isapubliko ang kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: Ricci ibinunyag relasyon nila ni Leren Mae: ‘Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya’

Sa katunayan, dumating na nga sa punto na nakipagsagutan pa si Leren sa kaniyang mga bashers. Pati ang mga magulang ni Ricci ay nakisawsaw na rin sa isyu.

MAKI-BALITA: Matapos ilantad ni Ricci: Leren Mae, nakipagbardagulan sa bashers

MAKI-BALITA: Tatay ni Ricci aprub kay Leren; cryptic post, pasaring kay Andrea?

MAKI-BALITA: Walang niloko, nanloko: Madir ni Ricci, humugot sa break-up ng anak kay Andrea?