Tila hindi na napigilan ng isang netizen ang bugso ng kaniyang damdamin sa isang episode ng “Linlang” kung saan gumaganap ang aktor na si Paulo Avelino bilang “Victor”.

Sa tweet ng nasabing netizen nitong Biyernes, Nobyembre 3, nasabihan niya nang di maganda ang karakter ni Paulo.

“Victor @mepauloavelino , ang bobo mo shuta ka!!! Mabuti nga sayo makulong bobo mo!!!” pahayag nito.

Sinagot naman ito ni Paulo sa kaniyang X account: “Nagmahal lang naman. 🥹”

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa iba pang netizen ang retweet na ito ni Paulo. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Eh bat naman kasi pumasok ka pa doon sa bahay eh wala ngang ilaw tapos wala namang sumasagot nong tumatawag ka. Nood ka ng soco, mafi-frame up ka talaga kapag ganyan 🙄”

“Maraming nagpakabobo sa pagmamahal pero tama na Victor. Awang awa na kami sayo. ##LinlangOnPrime”

“nag mahal dn naman ako pero hindi ako ganya ka boboo 🤣 lab u HAHAHA”

“Ako na lang mahalin mo Victor. Wag ka na tatanga tanga kay Juliana”

“Nakaka bobo at nakaka pahamak ang lecheng pagmamahal na yan 🤣🤣🤣”

“Mahal ka din namin Vicor. Makinig ka samen. Hahahahahahaha”

“Ganun namn Pag mahal mo talga ang Isang tao mgpaparaya ka kahit masakit diba Victor 😔💔 @mepauloavelino”

Ang “Linlang” ay TV series na eksklusibo lang na mapapanood tuwing Huwebes sa Prime Video, isang online streaming platform.