Bubuo na ng special investigation task force (SITF) ang pulisya na mag-iimbestiga sa pagpatay sa isang radio broadcaster sa Calamba, Misamis Occidental nitong Linggo ng umaga.

“We are now actively conducting a thorough investigation to identify the perpetrators of this crime and bring them to justice. A [SITG] will be created to spearhead and coordinate the investigative efforts to facilitate the speedy resolution of the case,” pahayag ni Police Regional Office 10 (PRO 10) acting director Brig. Gen. Ricardo Layug, Jr.

Nangako rin ang heneral na gagawin nila ang lahat upang matukoy ang nasa likod ng pamamaslang.

Sa police report, binaril ng hindi nakikilalang lalaki si Juan Jumalon o "Johnny Walker" habang sumasalang sa kanyang programa sa 94.7 Calamba Gold FM sa mismong bahay nito sa Barangay Don Bernardo A. Neri nitong Nobyembre 5. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Isinugod pa rin sa Calamba District Hospital ang biktima kung saan binawian ng buhay dahil sa tama ng bala sa ilalim ng labi na tumagos sa kanyang batok.

Kaugnay nito, kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang insidente at sinabing ito na ang ika-199 kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag mula noong 1986.