Ikinuwento ni showbiz columnist Ogie Diaz sa isang episode ng “Showbiz Updates” nitong Sabado, Nobyembre 4, na may lumapit umano sa kaniya para alukin siya ng pustahan.

Ayon dito, hindi raw papayag ang aktres na si Kathryn Bernardo na makatrabaho ang kapuwa artistang si Andrea Brillantes sa isang proyekto.

“Bakit?” tanong ni Mama Loi.

“Sabi niya, ‘di ba nga dati sobrang crush ni Andrea si DJ. So, tapos parang somehow na-link ‘yung dalawa. Tapos, na-intriga pa na ‘yun daw ang cause kung bakit nagkakatampuhan sina DJ at Kathryn’,” pagbabahagi ni Ogie. 

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Napatanong tuloy si Ogie sa nag-alok ng pustahan: “My God, sabi ko, di ba ang tagal na niyan? ‘Yan pa rin ang isyu?”

Hindi rin tuloy naiwasang maungkat ang isyu tungkol sa hindi pagdalo ni Daniel sa presscon ng pelikula ni Kathryn na “A Very Good Girl”.

“Di ba ‘yung sa ‘A Very Good Girl’ wala si Daniel. Tapos inisip ng iba, ‘ay, ba’t di siya sinamahan?’ Diyos ko po, nasa Spain nga ‘yung bata,” sabi ni Ogie.

Matatandaang noong nakaraang taon ay umugong din ang balitang may pinagdadaanan umano sina Daniel at Kathryn na nauwi sa hinala ng hiwalayan ng dalawa.

MAKI-BALITA: Sagot tungkol sa ‘loyalty’, palaisipan sa fans, netizens; KathNiel, may pinagdaraanan?

Pinabulaanan naman ng ina ni Daniel ang tungkol sa balitang ito.

MAKI-BALITA: Karla Estrada, nagsalita na hinggil sa isyung hiwalay na ang KathNiel

Pero ano’t anoman daw ang mga naglilitawang espekulasyon, hula, o pakiwari,  bahagi umano ng isang relasyon ang tampuhan. Ang mahalaga, nagagawa pa rin ng mga ito na maayos ang lahat.

“So ako, feeling ko, sila pa din. Kaya sabi ko nga sa friend ko, bakit kailangang makipagpustahan na di gagawa ng pelikula si Kathryn na di kasama si Andrea?” saad pa ni Ogie.

Sa kasalukuyan, wala pang anomang pahayag, tugon, o reaksiyon sina Andrea at Kathryn tungkol dito.