Nagpahayag ng pagmamalaki ang award-winning veteran actress na si Janice De Belen para sa anak nila ni John Estrada na si Kaila Estrada na umaani ngayon ng papuri sa kaniyang mahusay na pagganap bilang "Sylvia" sa patok na seryeng "Linlang" na napapanood sa Prime Video.

Ibinahagi naman ni Kaila sa kaniyang Instagram story ang post ng mama niya tungkol sa kaniya.

Ang ginamit pang larawan ni Janice ay ang screenshots ng eksena ni Kaila mula sa confrontation scenes nila ni Kim Chiu, na gumaganap naman bilang "Juliana" na siyang kabit sa serye.

"KALMA lang! Ang galing mo naman!! Dapat na ba ako matakot??? Proud of you," anang Janice na puring-puri din ang aktingan sa nagtapos na "Dirty Linen."

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Reaksiyon naman dito ni Kaila, "Ma sana ibang picture na lang haha thank you, love you."

Photo courtesy: Kaila Estrada (IG)

Samantala, pinuri din ni Inah De Belen ang kaniyang kapatid, na makikita naman sa comment section ng kaniyang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang photodump mula sa kaniyang mga eksena bilang si Sylvia.

"Sylvia photodump 🤍 still have a lot to improve on and a lot to learn but nonetheless I’m feeling so grateful 🙏🏼 maraming salamat," mababasang caption dito ni Kaila.

"My baby! So proud!!! Ipakita mo kung sino ka!!!," anang Inah na sa GMA Network naman napapanood.

"@inah love u sis ❤️," tugon naman dito ni Kaila.