Nagulantang ang social media nang ibahagi ng aktres na si Kathleen Hermosa na nagkaroon siya ng miscarriage at nawala na sa kanila ang inaasahan nilang triplets sana ng mister na si Miko Santos.

Matatandaang kamakailan lamang ay napabalita pa ang wedding nia Kathleen at Miko na dinaluhan ng malalapit na kaanak at kaibigan sa showbiz, kabilang na ang kapatid na si Kristine Hermosa-Sotto.

Ayon sa Instagram post ni Kathleen, Setyembre pa lamang ay alam na nila ni Miko na triplets ang kanilang magiging supling, at pinangalanan muna nila itong TresM.

"We were once pregnant with our triplets. I named them TresM! (Know more about our journey in my Youtube channel: its all there!🥰)."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Marking this day as one of His faithful reminders. He did it to us. He will do it again."

Sa kabila ng mga nangyari ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mag-asawa na muli silang magkakaroon ng biyaya ng anak mula sa langit.

"GOD WILL MAKE US PREGNANT AGAIN! With healthy both myself and triplets again! And He is no doubt capable of making it happen to you too!"

'No time to waste sulking, fretting and in sorrow. Let's not allow ourselves to go spiral down that way. We/ I choose to be in a space full of hope and excitement!"

"Now, let's keep ourselves busy, enjoy working hard and claim to be useful in expanding God’s territory in business! Lets start to also prepare and be specific with our prayers!!"

Sa YouTube channel naman ni Kath, doon niya idinetalye ang mga kaganapan kung bakit nawala ang kanilang triplets ni Miko.

Aniya, siya ay may condition na tinatawag na "blighted ovum." Ayon sa Mayo Clinic, ito ay blighted ovum, which the Mayo Clinic anembryonic pregnancy kung saan ang embryo ay hindi nabuo o humintong mabuo at na-reabsorb ng katawan, na kadalasang nangyayari sa early stage ng pagbubuntis.

"I may not understand it now, but soon I will. This is not at all rejection but God's protection and redirection. Also I believe this is our preparation," ani Kathleen.

Samantala, bumaha naman ng words of encouragement para sa mag-asawa mula sa mga netizen at kapwa celebrities.

"Napanood ko yung YouTube vlog mo..sayang miss Kath @kathermosa Pero darating din yung right time na mabubuntis ka ulit. God's plan is always the best. Sometimes the progress is painful and hard but don't forget that when God is silent, He is doing something great for you."

"In God's perfect time 🙏🏻 Praying for love and healing. Stay strong. On the other hand, people should know how to read! 🤦🏻‍♀️"

"Stay strong! In God's perfect time, magkakaroon din kayo ng babies."