Narito na naman tayo pagkatapos ng mahabang weekend na puno ng pahinga, pamilya, at kaligayahan (bagama't ang ilan, napurnada dahil sa pagkakasakit).

Ngunit ngayon, wika nga ay "back to reality" na, kinakailangan nang balikan ang mga gawaing nabinbin sa trabaho o pag-aaral. Madalas, mahirap mag-adjust pagkatapos ng long weekend, at napakadaling ma-distract mula sa mga bagong karanasan at alaala. Para matulungan kang magpokus ulit sa iyong mga responsibilidad, narito ang ilang mga tips na puwede mong gawin (o puwede ring hindi dahil depende na sa mekanismo o choice mo):

1. Gumawa ng Plano

Photo courtesy: Pixabay

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang unang hakbang ay ang paggawa ng plano. I-organisa ang mga gawaing kinakailangan mong tapusin at itala ito sa isang to-do list. Pag-isipang mabuti ang mga deadline at mga prayoridad para sa linggo na ito. Ang plano ay makakatulong sa iyo na magkaroon ng klarong direksyon kung paano simulan ang pag-aaral o trabaho.

2. Maglaan ng Oras para sa Pag-aaral o Trabaho

Photo courtesy: Pixabay

Kung ikaw ay mag-aaral, siguraduhing walang abala at walang distractions masyado (o kung kaya naman, totally wala, posible ba?) Kung ikaw ay nagtatrabaho, i-allocate ang oras sa mga task at gawain mo nang may kasamang breaks para hindi masyadong pagod. Huwag kalimutang maglaan ng oras para sa pahinga at katawan, upang mapanatili ang iyong productivity.

3. Tanggalin ang mga Sabagal o Distractions

Photo courtesy: Pixabay

Kung ikaw ay nag-aaral o nagtatrabaho mula sa bahay, tiyaking ang iyong paligid ay malinis at maayos. Iwasan ang mga distraksyon tulad ng social media, TV, o mga tawag mula sa mga kaibigan. Kung kailangan, gamitin ang mga apps o extensions na nagbibigay ng focus mode para sa iyong computer o smartphone. Isipin mo, halos isang linggo mo namang ginawa iyan, at anumang labis o sobra ay nakasasama rin.

4. Hatiin o I-Break Down ang mga Gawain

Photo courtesy: Pixabay

Hatiin ang mga malalaking gawain sa mas maliit na bahagi upang hindi ka mabugbog ng dami ng trabaho. Madaling simulan ang mga maliit na gawain at ito ay makakatulong sa iyong magkaroon ng momentum.

5. Pag-ingatan ang Physical and Mental Health

Photo courtesy: Pixabay

Ang pag-aalaga sa iyong kalusugan ay mahalaga para sa pagiging produktibo. Kumain ng masustansya at sapat na pagkain, uminom ng sapat na tubig, at mag-ehersisyo pa rin nang regular. Huwag kalimutang maglaan ng oras para sa iyong sarili at sa iyong mga pamilya at kaibigan para sa emotional at mental well-being.

6. Balikan ang Notes o mga Tala

Photo courtesy: Pixabay

Huwag kalimutang maging handa sa pag-aaral. Magbasa ng mga kailangan mong aralin at balikan ang mga notes na ginawa mo bago ang long weekend. Ang pagiging handa ay makakatulong sa iyo na maging mas komportable sa mga gawain mo.

7. Mag-set ng Mga Reward o Pabuya sa Sarili

Photo courtesy: Pixabay

I-set ang mga maliliit na reward para sa sarili mo kapag natapos mo ang mga gawain. Ito ay magbibigay-inspirasyon sa iyo na magpatuloy at makatapos ng mga task. Huwag din namang masyadong paka-stress at baka mauwi rin sa wala ang pagpapa-refresh and recharge mo noong long weekend.

8. Makiusap

Photo courtesy: Freepik

Kung ikaw ay nahihirapan, huwag kang mag-atubiling humingi ng tulong mula sa mga kaibigan, pamilya, o mga boss o guro mo. Ang kanilang suporta at mga payo ay maaaring makatulong sa iyo na mag-focus muli. Kung hindi naman napakiusapan, ganoon talaga. Huwag sasama ang loob. Walang magagawa kundi gawin at tapusin ang nakatakdang gawain lalo na kung may sinusunod na deadline ang lahat.

Ang pag-adjust matapos ang long weekend ay talaga namang medyo mahirap gawin lalo na kung sadyang masaya ang mga ganap dito. Ngunit, huwag kalimutang balikan ang iyong mga layunin at bakit mo ginagawa ang mga bagay na ito. Sa pamamagitan ng disiplina at determinasyon, makakamit mo ang iyong mga layunin sa trabaho o pag-aaral.