Umabot pa sa 140 rockfall events ang naitala Bulkang Mayon sa nakalipas na 24-hour monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng ahensya, naitala rin ang 75 pagyanig ng bulkan, bukod pa ang tatlong pyroclastic density current events.

Paliwanag ng Phivolcs, nagbuga rin ng 958 toneladang sulfur dioxide ang bulkan.

Apektado rin ng  pagragasa ng lava ang Mi-isi, Bonga at Basud Gullies.

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

Nakaalerto pa rin ang mga awtoridad sa lalawigan dahil nakaamba pa rin ang pagputok ng bulkan.

Ipinatutupad pa rin ang 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan, ayon pa sa Phivolcs.