Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:02 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 253 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 178 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

TIMELINE: Ang pagpili ng ika-267 Santo Papa ng Simbahang Katolika

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.