Pinuri ni Kapamilya actor Christian Bables ang “Linlang” star na si Kaila Estrada sa kaniyang Facebook account nitong Huwebes, Nobyembre 2.

“Kaila Estrada, the daughter of Ms. Janice De Belen and Mr. John Estrada, is such a brilliant actress. Her brilliance in acting is so genuine. Sobrang rooted sa puso at kaluluwa niya yung bawat choices and nuances 🥹 Walang halong pagpapaganggap yung pagiging pure hearted niya,” saad ni Christian sa caption ng kaniyang post.

Dahil sa ipinakitang husay ni Kaila sa pag-arte, hindi tuloy napigilang hilingin ni Christian na makatrabaho niya sana ang aktres balang-araw.

“Kaila Estrada, the daughter of Ms. Janice De Belen and Mr. John Estrada, is such a brilliant actress. Her brilliance in acting is so genuine. Sobrang rooted sa puso at kaluluwa niya yung bawat choices and nuances 🥹 Walang halong pagpapaganggap yung pagiging pure hearted niya,” aniya. 

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sabi pa niya: “I can feel, she’ll soon be an award winning actress. She’s so damn good! I am a believer.”

Sumang-ayon naman ang mga netizen sa sinabi ni Christian hinggil kay Kaila. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“True sobrang galing nya❤️”

“Kaila estrada super galing nya po best actress award 🥰🥰🥰”

“Super galing nya dto grabe 👏👏👏👏👏”

“I agree with you. Best actress 👏 sobrang ramdam Yung emotion nya ,nakakadala.”

“Totally agree po 😊”

“I admire her a lot ever since she came out on tv”

“Best actress yan ang galing nakakasad bat sya pinatay nakkainis”

Ginagampanan ni Kaila ang karakter ni "Sylvia Lualhati" na asawa ng karakter ni JM De Guzman na si "Alexander Lualhati".