Ito ang kinumpirma ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco sa isang television interview at sinabing nasa 100 porsyento ng resulta ng botohan mula sa 42,001 lugar ang naipadala na sa kanila nitong Miyerkules ng hapon.
Sinabi ng Comelec, na-canvass na rin ang mga boto sa Barangay Naguma, Calbayog City, Samar matapos ang dalawang araw na pagkaantala.
Naiulat na hinarass ng mga armadong lalaki ang grupo ng board of election inspectors habang patungo sila sa polling precinct.
Naging maagap din ang pagresponde ng mga sundalo. Gayunman, bumalik ang grupo kaya't hindi natuloy ang idaraos na eleksyon nitong Lunes.
Itinuloy ang halalan sa lugar nitong Miyerkules, ayon pa sa Comelec.