Marami ang napa-wow sa naging Halloween costume na isinuot ng Kapamilya star na si Belle Mariano bilang si “Darna.”

Sabi nga ng iba kung magkakaroon daw ng “Gen Z version” ang iconic character ay puwedeng-puwede itong gampanan ni Belle.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Maki-Balita: Gen Z version: Belle, Andrea bagay raw mag-Darna, Valentina

“Ding, ang bato! 🪨💥” saad ni Belle sa kaniyang Instagram account kamakailan nang i-flex niya ang kaniyang Darna costume.

Napakomento naman si Iza Calzado na gumanap bilang “unang Darna” noong 2022 sa “Mars Ravelo’s Darna,” na pinagbibidahan ni Jane de Leon.Tila nakikinita ng aktres na magagampanan ni Belle ang iconic character kapag nabigyan ng pagkakataon sa future.

“I can see it!!! Alagaan mo ang bato!!❤️🔥" saad ng aktres.

Bukod kay Iza, napakomento rin ang iba pang Kapamilya stars katulad nina Dimples Romana at Denise Laurel.

“Premonition? ❤️🔥” ani Dimples.

“I think we see the future 🔥” sey naman ni Denise.

Samantala, kasalukuyang mapapanood si Belle sa “Can’t Buy Me Love” ng ABS-CBN kasama ang kaniyang on-screen partner na si Donny Pangilinan.