Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar nitong Huwebes ng hapon, Nobyembre 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:50 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 51 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hernani, Eastern Samar, na may lalim na 48 kilometro.

Namataan ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Pinaos pa: Bayad ng UniTeam kay Andrew E, sinayang lang daw—Guanzon

Intensity II - Quinapondan, Can-Avid, EASTERN SAMAR; Villaba, Abuyog, Calubian, Carigara, at Leyte, LEYTE

Intensity I - Mahaplag, Javier, Hilongos, LEYTE; Rosario, NORTHERN SAMAR; Hinunangan, SOUTHERN LEYTE

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa posibleng aftershocks ng lindol.

Maaari rin umanong magdulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.