Pasabog ang mythology-themed Halloween costume ni Kapamilya star Andrea Brillantes sa dinaluhang "Opulence Ball 2023" nitong Oktubre 31 ng gabi.

Ayon sa Instagram post ni Blythe, si "Lilith the first wife of Adam" mula sa Judaic mythology ang peg niya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

View this post on Instagram

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Pinasalamatan at binigyang-credits ni Andrea ang glam team sa likod ng kaniyang look at photoshoot sa nabanggit na Instagram post.

Paghanga naman ang naikomento sa kaniya ng mga netizen, at may mga nagsabi pang bagay na bagay siyang gumanap na "Valentina" kung sakaling magkakaroon ng remake at Gen Z version ang nabanggit na iconic villain ni "Darna," na puwedeng si Belle Mariano naman daw ang gumanap.

Anyway, sa lahat ng mga komento at reaksiyon sa kaniyang post ay kapansin-pansin naman ang tila pasaring ng isang netizen.

"Bat nasa leeg mo si Leren 😭😭😭😭😭😭," anang netizen.

Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Naglapag naman ng laughing emojis dito ang ilang mga kapwa netizen.

Bagama't hindi naman tinukoy ang apelyido, ang nag-iisang "Leren" lang naman na konektado sa buhay ni Andrea ay ang kasalukuyang girlfriend ng kaniyang ex-boyfriend na si Ricci Rivero.

Kamakailan lamang, nilinaw ni Ricci na hindi third party ang jowa sa dahilan ng hiwalayan nila ni Blythe.

MAKI-BALITA: Leren Bautista sa mga isyu: ‘Damage has been done… truth shall prevail’

MAKI-BALITA: Ricci ibinunyag relasyon nila ni Leren Mae: ‘Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya’