Ibinahagi ni showbiz columnist Ogie sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Oktubre 31, na tumawag daw sa kaniya si Baron Geisler.

Matatandaang isinwalat kamakailan ni Ogie sa nasabing vlog na balak umanong tanggalin si Baron sa teleseryeng “Senior High”. 

MAKI-BALITA: Baron Geisler, tatanggalin na sa ‘Senior High’?

Pero ilang araw matapos ito, naglabas si Baron ng pahayag sa kaniyang X account at sinabing peke umano ang balitang ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

MAKI-BALITA: Baron, nagsalita na sa isyung natatakot sa kaniya ang mga ‘Senior High’ co-star

Sa kabila nito, patuloy pa ring nanindigan si Ogie na wala umanong mali sa sinabi niya at may isyu naman talaga kay Baron.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, nanindigan sa sinabi kay Baron: ‘May isyu naman talaga’

Sa katunayan, sinabi pa ng showbiz columnist na wala umano siyang balak mag-public apology kay Baron kahit naglabas na ng opisyal na pahayag ang manager nito na Arnold Vegafria para linawin ang kumakalat na balita tungkol sa behavior issue nito.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, walang balak mag-public apology kay Baron Geisler

MAKI-BALITA: Arnold Vegafria nilinaw ‘behavior issue’ na muling ipinupukol kay Baron Geisler

Kaya ang naging tanong tuloy ng co-host ni Ogie na si Mama Loi matapos sabihing tumawag ito sa kaniya ay kung inaway ba siya nito. 

Pero sabi naman ng showbiz columnist, hindi naman daw siya inaway ni Baron. Sa katunayan, nagpasalamat pa nga ang aktor sa kaniya. 

“Kasi nga, siyempre, parang marami siyang realization. Tapos talagang inaayos na niya ang kaniyang trabaho. Ganyan. Sabi niya sa akin: sa katunayan, magsho-shoot ako ng Senior High three days from now.”

Kaya natutuwa umano siya para sa ibinalitang ito ni Baron. Hiling niya sa aktor, ituloy-tuloy na raw ang ginagawa nitong mabuti dahil nanghihinayang daw talaga siya para dito. 

Sa kanilang pag-uusap, nilinaw ni Baron na hindi umano ito galit kay Ogie. Nilinaw din naman ni Ogie kay Baron na hindi siya galit dito. 

Sey tuloy ni Mama Loi: “Buti pa si Baron, di galit sa ‘yo, ‘no? ‘Yung mga netizen galit sa ‘yo.”

Matatandaan kasing pinutakti ng batikos at puna si Ogie matapos magsalita ng manager ni Baron tungkol sa isyu dahil sa pagpapakalat umano ng maling balita.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag, reaksiyon, o tugon si Baron hinggil dito.