“I wanna dance with somebody 💃”
Nagbahagi ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng larawan ng dalawang galaxies na animo’y nagsasayawan.
"This dance between two galaxies captured by @NASAHubble," saad ng NASA sa isang Instagram post.
Matatagpuan umano ang naturang galaxies sa constellation Tucana 500 million light-years ang layo mula sa Earth.
“The interacting galaxy pair is known as Arp-Madore, which is a collection of peculiar galaxies. What is peculiar about this group? There are actually three galaxies, not just two,” saad ng NASA.
“If you look at the smaller galaxy’s upper arm on the lower right corner of the image, you can spot the knot-like structure,” paliwanag pa nito.
Inihayag din ng NASA na tulad ng nakikita mula sa perspektibo ng Earth, napag-alaman umano ng astronomers na mahirap makilala ang pagkakaiba kung ang isang bagay sa kalawakan ay isa, o maraming bagay, o nakahilig sa harap ng isa pa.
“Astronomers discovered the third knot-like galaxy by analyzing the speed and direction which revealed that the redshift, the wavelength of light is seen ‘shifted’ towards the red part of the spectrum making it its own entity,” saad pa ng NASA.