Kinapanayam ni Diamond Star Maricel Soriano ang Kapamilya actress na si Elisse Joson sa kaniyang latest vlog nitong Sabado, Oktubre 28.

Isa sa mga naitanong kay Elisse ay kung na-intimidate umano sila ng mga kasamahan niya sa teleseryeng “Pira-pirasong Paraiso” sa pagpasok ni Maricel.

“Parang lahat po kami pinaghandaan ang pagdating n’yo talaga,” sabi ni Elisse.

Kaya ang ginawa ni Elisse, nagtanong-tanong umano siya sa mga prod at make-up artist dahil ayaw niya raw ma-shock.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Dati kasi, may iniidolo umano siyang artista. Noong na-meet niya, nakakatakot ang awra. Parang mahirap maabot o lapitan dahil laging seryoso.

“So, kailangan ko pong i-prepare ‘yung sarili ko. Kasi ‘pag ganoon parang naha-hurt ako kasi ang tagal mong iniidolo tapos bilang…dapat dahan-dahan pala,” paliwanag ni Elisse.

“E, kay Inay, anong nangyari?” usisa naman ni Maricel.

“‘Pag afar siyempre sobrang power ‘yung hitsura n’yo, intimidating. Pero ‘pag nakalapit na po kasi sa inyo, kayo rin po ‘yung unang makikipag-usap,” tugon ni Elisse.

Matatandaang kamakailan ay umugong ang isyung may nakaalitan umano si Maricel sa isa sa mga artistang gumaganap bilang apo ng karakter niya sa “Pira-pirasong Paraiso” kaya bigla na lang itong tsinugi. 

MAKI-BALITA: Maricel Soriano, may nakaalitan sa ‘Pira-pirasong Paraiso’ kaya ‘natsugi’?

Pero tila maayos naman ang relasyon niya sa apat na apo ng kaniyang karakter na ginagampanan sa nasabing teleserye dahil nabanggit sa vlog na matagal na umano nilang napag-usapan na isa-isa silang magiging guest sa vlog ng Diamond Star.

Ang apat na apong tinutukoy bukod kay Elisse ay sina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Loisa Andalio.