Muli na namang inulan ng pintas at kritisismo ang aktres at singer na si Anji Salvacion dahil sa ipinakitang acting skills sa hit teleseryeng "Linlang" na napapanood sa Prime Video.

Kumakalat sa social media ang isang clip kung saan makikitang nag-eemote si Anji at tila umiiyak sa eksena.

Ngunit napansin ng mga netizen na wala raw luhang pumapatak mula sa kaniyang mga mata; nilait pa nila ito bilang "trying hard" at "OA."

Naging laman tuloy siya ng iba't ibang memes sa social media.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

https://twitter.com/KafosoMo/status/1717809599129010667

https://twitter.com/ricci_richy/status/1718824623255728328

Hindi rin nakaligtas sa kritisismo ang katambal niya rito na si Kice, na originally ay nakilala bilang contestant sa "Idol Philippines" season 2.

Matatandaang una nang nag-viral si Anji at Kice nang magbigay ng kaniyang puna ang showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz hinggil sa kanilang dalawa.

Sana raw ay alisin na lang ang mga eksena nilang dalawa dahil nakakawala raw ng momentum sa mga eksena sa serye.

Sa kaniyang X posts noong Oktubre 11 ay nagbigay na siya ng mensahe patungkol dito.

"All i could say is I don't know these people and they're not worth my precious time. So, please I know you're concern I appreciate you all for standing up for me but then again, are they gold? No right? Let's focus on our goals my loves. Who are they to begin with anyway?"

"If you think you can hurt me, try a little harder, okay? mwahhh yatch."

"Sunshines wag niyo nang pansinin ang mga palamuti ng story natin minsan magulo talaga sila."

https://twitter.com/anjisalvacion/status/1711781546808754676

https://twitter.com/anjisalvacion/status/1711782096090656993

https://twitter.com/anjisalvacion/status/1711783730019455416

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo nina Anji at Kice tungkol dito.