Kinaaliwan ng mga netizen ang isang eksena sa "Mini Miss U" Grand Finale sa nagbabalik-telebisyong "It's Showtime" kung saan sinabi ng isang grand finalist kung sa aling fast food chain sila nagdiwang ng pamilya nang manalo ito sa semi-finals.

Inuntag kasi ni Vice Ganda ang batang si Audrey kung ano ang ginawa nilang magpamilya nang manalo nga siya noon. Sagot ng bata, kumain daw sila sa Jollibee.

"Ay sarap do'n eh no?" natatawang sundot ni Anne habang nakatingin kay Vice.

"Masarap do'n, Ako din mahilig din do'n."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Anne ay celebrity endorser ng Jollibee.

Mapapansin namang tila bahagyang natahimik at napangiti na lamang si Vice Ganda sa sinabi ng bata.

"Tinanong mo kasi eh," sey naman ni Jhong Hilario.

Ang komedyante-TV host ay latest celebrity endorser ng "McDonald's," ang karibal na fast food chain ng Jollibee.