Naging matagumpay ang "makasaysayang concert" ng dating magkatambal at mag-asawang sina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na "Dear Heart," na ginanap sa SM Mall of Asia Arena nitong Oktubre 28 ng gabi.

Makasaysayan dahil matapos ang halos ilang dekada, muling nagkasama sa iisang entablado sina Sharon at Gabby, at hindi pa sigurado kung magkakaroon pa ng mga susunod o mauulit pa ba.

Kaya naman sinulit na ito ng Sharonians at "ShaGab" fans na matagal nang na-miss na makitang magkasama ang dalawa.

As expected ay dumalo sa concert ang nag-iisa at panganay nilang anak na si KC Concepcion, na tinawag nilang dalawa sa entablado. Naging emosyunal ang tatlo sa pagkikita-kita nila, at finally ay nabuo rin sila bilang pamilya kahit saglit lang. Wika nga ni KC sa kaniyang Instagram post, para itong "fairy tale" na nagkatotoo.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Kasama ni KC ang kaniyang Filipino-Swiss boyfriend na si Steve Michael Wüthrich, o Mike Wuethrich.

Bago papanhikin sa stage ay pabirong kinausap ni Shawie si Mike.

"Michael, take care of my baby," anang Megastar.

"Michael, dalawang panday ang nandito, sina Senator Bong (Revilla) at Coco (Martin)," hirit ng ina na ikinatawa naman ng audience.

(Video courtesy: @ifernminiladymelanie /TikTok via Fashion Pulis)

Sey naman ni Gabby, mabait daw si Mike matapos niyang mapag-aralan ang ugali nito. Agree naman si Sharon na nakasama na rin niya si dinner si Mike at mabait naman ang pagkakakilatis niya rito.