Kinilig ang mga netizen sa heart react ni Chie Filomeno sa kapwa Kapamilya artist na si Jake Cuenca matapos nitong ibahagi sa Instagram post ang latest photos kung saan bagong ahit ang aktor.

Mukhang nasa isang motorcycling activity si Jake batay sa lokasyon at suot na polo na makikita sa kaniyang mga larawan.

Kapansin-pansin namang blooming ang aktor at clean-shaven ang kaniyang mukha. Matatandaan kasing may bigote at kaunting balbas si Jake batay sa hinihinging role niya sa nagtapos na top-rated action-series na "The Iron Heart" na pinagbidahan ng Kapamilya star na si Richard Gutierrez, na kamakailan lamang ay pumirma ulit ng exclusive contract sa ABS-CBN.

Sa comment section ay mapapansin ang komento rito ni Chie na nali-link sa aktor.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Finally! No more 🧔🏻‍♂️ HAHAHAHA," anang Chie.

Nagreply naman dito si Jake.

"Pwede na ba audition bilang leading man mo nag-shave na po ako."

Photo courtesy: Jake Cuenca (IG)

Matatandaang hindi pa nagsasama sa isang proyekto ang dalawa.

Inamin ni Chie kamakailan na nasa dating stage na sila ni Jake at hindi naman daw sila nagmamadali sa mga bagay-bagay.