Sa kabila raw ng mga kaliwa't kanang kritisismo, intriga at isyung natamo niya, patuloy pa rin daw gagawa nang tama si Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista at naniniwala siyang mananaig pa rin ang katotohanan.

Sa kaniyang Facebook post nitong umaga ng Sabado, Oktubre 28, nagbahagi si Bautista ng isang quote card.

"A beautiful truth about life is that for every person trying to dim your light, there's another drawn to your glow," mababasa rito.

Makahulugan naman ang naging caption niya rito.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Damage has been done and hurtful words have been said that scarred me deeply, but it won't stop me from doing what is right. 🤍."

"We rise by lifting others. Not the other way around."

"At the end of the day, people will know, the TRUTH shall prevail."

Matatandaang kamakailan lamang ay inamin na ng kaniyang boyfriend na si celebrity basketball player Ricci Rivero ang kanilang relasyon, matapos ang ilang buwang espekulasyong may namamagitan sa kanilang dalawa, matapos ang pagputok ng balitang hiwalay na si Rivero sa ex-girlfriend na si Kapamilya star Andrea Brillantes.

Nilinaw naman ni Rivero na hindi third party si Bautista sa naging relasyon nila ni Brillantes, na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Bago pa man ang pag-amin, sa kasagsagan ng break-up issue ay naglabas na rin ng opisyal na pahayag si Bautista, na wala siyang kinalaman sa kung anuman ang naging isyu ng mag-ex.