Espesyal ang latest episode ng “Iskovery Night” noong Biyernes, Oktubre 27, dahil ipinagdiwang sa nasabing vlog ang kaarawan ni dating Mayor Isko Moreno.

Kaya sa halip na siya ang mag-interview, siya ang kinapanayam ng guest na si Divine Tetay, komedyante at impersonator ni Kris Aquino.

Isa sa mga naitanong ni Tetay kay Isko ay kung sino umano ang pinormahan nitong aktres noong mga panahong binata pa siya.

“Marami,” sagot ni Isko.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Wala siyang binanggit na maski isang pangalan dahil hindi umano talaga niya sinasabi ang tungkol sa bagay na iyon kahit sa mga malalapit niyang kaibigan sa press.

“Even if they have hints already you would still deny that?” usisa ni Tetay.

“Di naman. Di ko na lang pinagkukuwentuhan. Kasi parang ano ko lang ‘yun, paggalang ko sa kanila. Kasi di ko naman alam kung gusto rin nilang maging public,” sagot ni Isko.

Napuri tuloy siya ni Tetay: “Which ang ganda kasi you’re such a gentleman on that.”

Noong ‘90s kasi, usong-uso umano ang kiss and tell. At kapag nakakapanood daw si Isko ng Showbiz Lingo, isang defunct showbiz oriented talk show sa ABS-CBN na nagsimulang umere sa nasabing dekada, napapaisip siya: kailangan ba talagang ikuwento pa ang mga romantikong nangyayari sa pagitan ng dalawang magkarelasyon?

Kaya simula noon, nagdesisyon si Isko na gawing pribado na lang ang mga ganoong bagay.