Dalawa ang arestado matapos masamsaman ng ₱7 milyong halaga ng illegal drugs sa magkahiwalay na operasyon sa Cebu City nitong Biyernes.

Nasa kustodiya na ng pulisya sina Rea de Jesus Caytor, alyas “Yang,” at Ronald Pardillo Bacus, alyas “Onix.” 

Si Caytor ay dinampot sa Barangay Bacayan sa naturang lungsod nitong Biyernes habang si Bacus ay dinakma sa Rainbow Village, Barangay Kinasang-an nitong Martes ng gabi, ayon kay Lt. Col. Jomar dela Cerna, hepe ng Regional Police Drug Enforcement Unit 7 (Central Visayas).

Nakumpiska sa dalawa ang halos ₱7 milyong halaga ng shabu.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.