Binanggit ni showbiz columnist Ogie Diaz sa ">Showbiz Updates” noong Biyernes, Oktubre 27, ang babala ni Kapamilya singer Erik Santos tungkol umano sa personal assistant nito.

“This is to inform the public that John Mark Caperlac is no longer connected with me in any capacity. He was my personal assistant,” saad ni Erik sa kaniyang anunsiyo.

Dagdag pa niya: “Moving forward, he has no authority to act in any way for and on my behalf. Thank you.”

Tila nanghinayang naman si Ogie sa samahan ng dalawa dahil halos pamilya na umanong ituring ni Erik si John Mark.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

“Itong kaniyang PA ay nine years na kay Erik. ‘Yung nine years na ‘yun, ‘yung tiwala ay talagang malalim. Parang bahagi na ng pamilya ni Erik itong kaniyang PA,” saad niya.

Bagama’t hindi detalyadong binanggit ng showbiz columnist, tila may kaugnayan umano sa pera ang pananablang ginawa ng Kapamilya singer sa personal assistant nito.

“Hanggang sa nito lang nila natuklasan na ‘yun na nga. Nawala na ‘yung kanilang tiwala. May mga ano, money-money matters ‘yan. Pero di ko na masyadong pakahahabaan.”

Samantala, sa kaniyang Instagram story ay nagbahagi naman ng tila cryptic post si Erik hinggil sa pag-unveil ng maskara ng isang tao.

Photo courtesy: Erik Santos (IG)

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag, reaksiyon, o komento si John Mark hinggil sa isyung ito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.