Inaasahang patuloy na makaaapekto ang northeast monsoon o amihan sa Northern Luzon at eastern section ng Central Luzon ngayong Linggo, Oktubre 29, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang makararanas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated light rains naman ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Aurora bunsod ng amihan.

Wala naman umanong matinding epekto ang mga pag-ulan sa mga nasabing lugar.

Samantala, posibleng makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa trough ng low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) o localized thunderstorms.

National

LPA, naging bagyong Kristine na; Signal No. 1, itinaas sa 3 lugar sa PH

Posible umano ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Inihayag naman ng PAGASA na huling namataan ang naturang LPA sa labas ng PAR 1,235 kilometro ang layo sa silangan ng Mindanao.

Wala pa naman umano itong direktang epekto sa bansa.