Inamin ng Kapamilya actress at isa sa mga lead star ng "Five Breakups and a Romance" na si Julia Montes na naranasan nila ng kaniyang lola na magtago sa mga pinagkakautangan nilang "five-six" o patubuan, o kaya naman, siya ang inihaharap sa kanila upang makiusap na huwag munang magbayad.

Naganap ang pag-aming ito sa panayam sa kaniya sa vlog ng ABS-CBN broadcast journalist na si Bernadette Sembrano.

Ayon kay Julia, laki sila sa hirap kaya tipikal sa kanila ang magtago sa mga pinagkakautangan.

“Laki kami sa hirap kasi lumaki ako sa five-six. Talagang tinataguan namin ng lola ko ’yong five-six. Oh kaya ako ’yong pino-pronta, 'Sige na, magmakakaawa ka na doon.' Ganoon po ’yong ginagawa namin before,” aniya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Kaya ngayong kumikita na siya, hangga't maaari daw ay iniiwasan na niyang mangutang at i-handle nang maayos ang kaniyang finances.

Ayaw na raw niyang maranasan ang mga naranasan nila ng kaniyang lola noon.

"Hindi mo naman gusto pero kung kailangan mong mangutang, mangungutang ka. Tapos, aabot ka sa point na ’yong pinangako mo, kahit nangako ka for that specific day, eh nagkataon na nawala ’yong pera o kinailangan mo ’yong budget na ’yon na ipambabayad mo sana."

So, ’yong pakikiusap mo doon sa pinag-utangan mo, alam ko talaga ’yong journey sa pera na kapag hinawakan mo, hindi mo siya mahahawakan nang matagal kasi ang dami mong kailangan i-provide," aniya.

Sa nabanggit na vlog ay nailahad din ni Julia ang pagkakaroon niya ng mangilan-ngilang kaibigan sa showbiz.

MAKI-BALITA: Julia Montes, hirap magkaroon ng totoong kaibigan sa showbiz