Trending na sa X ang hashtag na #ItsShowtimeReturns ngayong araw ng Sabado, Oktubre 28 dahil sa muling pagbabalik ng nabanggit na noontime show matapos ang 12-airing day suspension na ipinataw sa kanila ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa kanila.

"Madlang People! WE ARE BACK! Humanda na sa pasabog na pagbabalik ng namiss nating pamilya tuwing tanghali — It's Showtime! #ItsShowtimeReturns 💙💛," saad sa official social media platforms ng noontime show.

Nitong Biyernes, Oktubre 27, ay namaalam na sa ere ang "It's Your Lucky Day" sa pangunguna nina Luis Manzano, Melai Cantiveros, Robi Domingo, Jennica Garcia, Shaina Magdayao, at iba pa.

Sa kaniyang X post ay excited na rin sa kanilang pagbabalik si Unkabogable Star Vice Ganda.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

"Eggggzzzoooiiittteeddd much! I miss you Madlang People!!! Let’s have fun chudey! 😃," anang Vice Ganda.

https://twitter.com/vicegandako/status/1718079181270188255

Marami na ang nag-aabang sa "stronger" na pagbabalik ng It's Showtime lalo't magdiriwang sila ng kanilang 14th anniversary.

Bago ang muling pagbabalik ay nag-recharge muna sa Hong Kong ang hosts.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime’ hosts, nag-bonding sa Hong Kong

MAKI-BALITA: Melai, sa pagtatapos ng ‘It’s Your Luck Day’: ‘Salamat sa pagtanggap n’yo’