Usap-usapan ng mga netizen ang X posts ng Kapamilya actress-model na si Chie Filomeno na nagpapakita ng kaniyang reaksiyon sa sinabi ng Kapamilya singer, actor at TV host na si Kyle Echarri tungkol sa mga karanasan nito na pinagtatawanan na lang niya ngayon.

Sabi kasi ni Kyle sa tanungan nila sa &t=69s">"It's Your Lucky Day," pinagtatawanan na lamang niya ngayon ang mga pinaggagawa niya sa loob ng Pinoy Big Brother house nang pumasok siya rito bilang isang celebrity housemate noong 2022.

Matatandaang tila nagkaroon sila ng magandang bonding dito ni Chie, na isa rin sa mga naging celeb housemate.

"Ano 'yung mga desisyon n'yo sa buhay na pinili n'yong gawin noon pero ngayon pinagtatawanan n'yo na lang?" tanong ni Luis sa mga host.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

"Sa totoo lang, pinagtatawanan ko ngayon, mga ginawa ko noon sa PBB," natatawang sabi ni Kyle.

Hindi naman binanggit ni Kyle ang mga detalye nito at sinabi na lang niyang panoorin at balikan na lang sa online streaming platforms gaya ng YouTube ang mga naging episodes noon sa PBB.

"Basta maraming nangyari do', pero lagi kong sinasabi mga Ka-Lucky, never regret that made you smile," anang Kyle.

Sa kaniyang X post naman ay tila nag-react daw dito si Chie.

"The amazing human beings inside that house made me understand people more on a deeper level. Never magiging katawatawa ang experience ko sa loob ng bahay ☺️ I will NEVER regret the things that made me smile 😊," anang Chie.

"wag na lang tayo mandamay nang ibang tao para sa sariling benepisyo, tahimik na ang buhay ko eh. Goodnight ☺️."

https://twitter.com/ChieFilomeno/status/1717190204451414116

Sa isa pang X post, dito ay tuwiran na raw niyang sinabi na "nasaktan" siya sa mga nasabi nito matapos niyang mag-react sa X post ng isang netizen.

"iba yata pagka intindi mo miss @ChieFilomeno sa sinabi ni K.. i don’t think he was pertaining to the people na nakasama niya sa PBB house. It was the thing he 'did' marami naman siyang ginawa eh it could be in a different context than what you’re thinking. 💯."

Ayon naman kay Chie, "Yes madami siya ginawa na tinanong naman ni sir Luis kung ano pero hindi sinagot kahit ISA, dami palang ginawa eh, edi sana sumagot siya, chance na niya yun oh. If he was just CAREFUL with the words he used wala namang maapektuhan. Tao lang din ako masasaktan at masasaktan. I did nothing but protect his name because I still care. Pero parang ang tagal naman nang pangbbastos po to. ☺️."

https://twitter.com/ChieFilomeno/status/1717393048064450617

Umani naman ito ng reaksiyon at komento mula sa netizens. May mga nagsabing wala naman daw binanggit na tao si Kyle kaya bakit nagre-react si Chie?

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol naman kay Chie dahil kung pakiramdam daw niya ay kasama sa mga tinutukoy ni Kyle ang pinagsamahan nila, valid daw ang kaniyang feelings kung nasaktan man siya rito.

"Walang namention na pangalan pero nong narinig ko yong answer niya KyChie agad naisip ko. Most of his PBB days vids na mapapanood sa YT is kasama si chie. Never invalidate someone's feeling guys. nagsalita lang yong tao. matagal niya ring kinimkim yan.."

"Maka-react ate ghorl, wala namang pinangalanan? Saka ang sinabi naman ay experience 'di ba hindi tao?"

"Dahil sa lahat ng nangyari sa pbb siya yong literal na andaming nagbash. Be kind na lang."

"'Ano yung mga desisyon nyo sa buhay na pinili nyong gawin noon pero ngayon pinagtatawanan nyo nalang?'

Siguro hindi naman na tayo bulag para hindi makita yung closeness nila ni K sa loob ng bahay and ang masakit ata sa part ni Chie is sa ilang weeks na pagsasama nila ni K sa Pbb."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kyle tungkol sa isyung ito.