Tila may pa-disclaimer agad ang TV host at aktres na si Anne Curtis sa ibinahagi niyang post sa X nitong Sabado, Oktubre 28, para sa muling pag-ere ng kanilang noontime show na “It’s Showtime”.

Matatandaaang pinatawan ng 12-day suspension ang nasabing programa ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB noong Setyembre.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

Kaya pansamantala muna silang nagpaalam para palitan ng “It’s Your Lucky Day” mula Oktubre 14 hanggang Oktubre 27.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ pansamantalang nagpaalam sa madlang people

MAKI-BALITA: ‘It’s Your Lucky Day’ rerelyebo sa ‘It’s Showtime’

“Madlaaaaaaaang peeeeeps! We are vaaaaaaaaaack! Seee ya today! Pag pasensyahan nyo po voice ko muna. Matagal sa naka rest. Need lang Gisingin ulit. Hindi ko lang sure if aabot ang voice ko for opening but I will try my best po. 😘😜” saad ni Anne sa kaniyang post.

https://twitter.com/annecurtissmith/status/1718083481555935298

Humakot naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Naubos na pasensiya ko eh pero dahil ikaw yan, sige..😂😂😂”

“Break a leg, Anne!!! This is one special day for sure! #ItsShowtimeReturns”

“Kaya mo yarn!  You're not Dyosa for nothing ahihi 😍😍🥰🥰😘😘😘”

“Sanay na kami kahit anong state ng voice mo, mhie. Charot!” 

“We love you. Can't wait to watch you and the whole @itsShowtimeNa family again. #ItsShowtimeReturns”

“Tanggap na po namin kahit anong voice pa yan. Char hahaha”

“kahit wala ka pong boses, okay na okay lang po sa amin 🤣 love you po Ms. Anne 🥰”

"I miss you anne🥰❤"

"We are all excited for Showtime, especially my mom! 😊"

“See you ate! Na miss namin Yan. Love you 🥰”

“Please 🙏🥺 sana umabot ate Anne..”

“Yan na! May disclaimer na! Hahahaha! Pero kahit ano pa man yan, keri na yANNE! 😅”

“pleaseee sana umabot!!!! boses mo pa man din gumigising sa diwa kong tulog 🤣🤣”

“Kahit sa closing maghihintay kami Dyosa”