Sumagot na rin si showbiz columnist Cristy Fermin sa shared post ng tatay ni Liza Soberano na si John Castillo Soberano sa programang “Cristy Ferminute” kamakailan.

Matatandaang inanunsiyo na ang premiere date ng debut Hollywood film ni Liza na pinamagatang “Lisa Frankenstein”.

MAKI-BALITA: Debut Hollywood film ni Liza Soberano, nag-anunsyo na ng premiere date

Kaya naman hindi napigilan ni John na magbahagi ng saloobin sa caption ng kaniyang ibinahaging post ng ABS-CBN News.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

“I can’t wait ano ilalabas ng mga camp ng Cristy Permin & Ogie D ngaun…” saad ni John.

Matatandaang sinabihan ni Cristy na mareklamo umano si Liza matapos nitong ilabas ang  vlog na “This is Me” noong Pebrero. 

MAKI-BALITA: ‘Bukod-tanging puro reklamo!’ Cristy, kinumpara si Liza kina Ate Guy, Ate Vi, Mega, at Maricel

Bukod pa rito, ikinumpara din ng showbiz columnist ang aktres sa kasabayan nitong si Kathryn Bernardo at sinabing hindi man lang daw ito umungos sa huli.

MAKI-BALITA: Liza hindi man lang daw umungos kay Kathryn, sey ni Cristy

Pero depensa ni Cristy, wala naman umano siyang sinasabi na ayaw niyang magtagumpay si Liza sa bagong rutang tintahak ng karera nito.

“Alam n’yo po, Mr. John, kung napapansin n’yo at kayo’y nakikinig at nanonood ng aming mga kuwento tungkol sa inyong anak, ano ang nasa dulo namin? Lagi naming sinasabi: ‘maraming salamat kung matutupad ang kaniyang Hollywood dream at malaking kasiyahan ito para sa kaniyang mga tagahanga’. Hindi po namin sinabi na ayaw naming magtagumpay ang inyong anak,” paliwanag niya.

Nauna nang sumagot sa nasabing pahayag ang dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz.

MAKI-BALITA: Ogie sinagot tatay ni Liza: ‘Dapat di ka nag-iimbita ng mga pang-iintriga