Idineklara ni Mayor Honey Lacuna nitong Biyernes, Oktubre 27, ang “half-day work suspension” para sa lahat ng opisina ng City Government of Manila sa Martes, Oktubre 31.

Ang naturang suspensyon ay batay sa nilagdaan ng alkalde na Executive Order No. 35.

Ayon kay Lacuna, napagdesisyunan niyang ideklara ang “half-day work suspension” sa Oktubre 31 para bigyan umano ng mas mahabang oras ang mga city government employee na maghanda para sa Undas.

“Upang bigyan ng mas mahabang panahon ang ating mga lingkod bayan para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa darating na Undas, aking dinedeklara ang half-day work suspension sa darating na Martes, October 31,” ani Lacuna.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

“Ang pasok sa trabaho para sa mga pribadong kumpanya at opisina ng national government ay nakasalalay sa mga namamahala dito,” dagdag pa niya.