‘MAY PASOK!’

Nilinaw ng Malacañang nitong Huwebes, Oktubre 26, na hindi holidays ang Oktubre 31 at Nobyembre 3, 2023.

Sa isang brief message sa mga mamamahayag, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na “fake news” ang kumakalat online na memorandum circular na nagsasabing sinuspinde ng Malacañang ang pasok sa mga opisina ng gobyerno at klase sa mga pampublikong paaralan sa Oktubre 31, mula 12:00 ng tanghali.

Matatandaang nauna nang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na walang plano ang Malacañang na ideklarang non-working holiday ang Oktubre 31.

Malacañang, walang planong ideklarang holiday ang Oktubre 31

Ang Oktubre 31 (Martes) ang araw na nasa pagitan ng dalawang special non-working holidays ngayong taon na Oktubre 30 (Barangay and Sangguniang Kabataan Elections o BSKE) at Nobyembre 1 (All Saints’ Day).

Idineklara kamakailan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na special non-working day ang Oktubre 30 para sa pagsasagawa ng BSKE.

https://balita.net.ph/2023/10/11/pbbm-idineklarang-special-non-working-day-ang-oct-30-para-sa-bske/

Samantala, ang Nobyembre 3 (Biyernes) naman ang araw na nasa pagitan ng special non-working holiday na Nobyembre 2 (All Souls’ Day) at araw ng Sabado.