Walang plano ang Malacañang na ideklarang non-working holiday ang Oktubre 31, 2023, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil.
Ani Garafil nitong Martes, Oktubre 24, wala sa plano ng Office of the Executive Secretary na ideklara ang naturang araw bilang isang holiday.
Ang Oktubre 31 (Martes) ang araw na nasa pagitan ng dalawang special non-working holidays ngayong taon na Oktubre 30 at Nobyembre 1.
Matatandaang idineklara kamakailan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na special non-working day ang Oktubre 30 (Lunes) para sa pagsasagawa ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
https://balita.net.ph/2023/10/11/pbbm-idineklarang-special-non-working-day-ang-oct-30-para-sa-bske/#google_vignette
Samantala, special non-working holiday rin ang Nobyembre 1 (Miyerkules) at Nobyembre 2 (Huwebes) bilang pagdiriwang ng All Saints' Day at All Souls' Day.
Noong 2022, idineklara ni Marcos ang Oktubre 31, na natapat sa Lunes nang taong iyon, bilang special non-working holiday, dahilan ng pagkakaroon ng long weekend.