Sinagot ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang naging patutsada sa kaniya ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte patungkol sa kaniyang pagsasampa ng kaso laban sa ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang iginiit ni Rep. Duterte nitong Miyerkules, Oktubre 25, na bagama’t may karapatan umano ang lahat na magsampa ng kaso, huwag daw dapat maging “balat-sibuyas” ang mga public servant.

"Bakit parang ako pa ang may kasalanan, samantalang buhay ko ang pinagbantaan at muling ni-redtag?" buwelta naman ni Castro sa isang post ng opisyal na Facebook page ng ACT Teachers Party-List nitong Miyerkules.

Rep. Duterte sa pagkaso ni Castro sa kaniyang ama: ‘Huwag balat-sibuyas’

Sinabi rin ng Makabayan solon na nagsampa raw siya ng kaso laban kay Duterte dahil pinoprotektahan niya ang kaniyang sarili, pamilya, at mga kasamahan.

“Death threats and red-tagging aired on television must be stopped because it endangers the lives of people. It is far different from criticisms and should not be tolerated because it fosters the state of impunity. We have to draw the line," giit ni Castro.

"Dati ang sinasabi ng mga Duterte na kapag may ginawa silang masama kasuhan daw sila. Ngayong kinasuhan naman ay aatakehin pa ang biktima.”

"Besides the onion skin doctrine even in libel cases does not give license to anyone to issue death threats. Legitimate criticism of public officials are valid but what Duterte did was not criticism but threats. Also such a doctrine neither discounts nor diminishes the right of persons to life and safety. Iba ang criticism sa death threat," saad pa niya.

Noong Martes, Oktubre 24, nang ihain ni Castro ang kaniyang criminal complaint laban kay dating Pangulong Duterte.

https://balita.net.ph/2023/10/24/rep-castro-kinasuhan-si-ex-pres-duterte/

Ito ay kaugnay ng naging “death threats” ng dating Pangulo sa isang panayam ng SMNI, kung saan sinabi nitong gagamitin ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte ang confidential at intelligence funds (CIF) nito para sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) at upang ihinto umano ang communist insurgency sa bansa.

“Pero ang una mong target sa intelligence fund mo, ‘kayo, ikaw, France (Castro), kayong mga komunista ang gusto kong patayin,” ani dating Pangulong Duterte kamakailan.

?fbclid=IwAR3mSTlWKERkBJzFfunyNf9MYHFPEbpWF4kxlYO4X4tPVjDi-HCPSvxF5fE