Usap-usapan ang X posts ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda matapos niyang ibahagi ang naging karanasan nila ng partner na si Ion Perez at iba pang mga kasama sa kanilang flight na sinasabing delayed na nga raw, overbooked pa.
"GRABE KA@flyPAL!!! Grabeng pang-aabala at perwisyo ang dinulot mo sa masaya sanang trip na ito!!! Bakit kayo ganyan??? Ilang beses nyo kaming pinaranas ng overbooking sa puntong di nakasakay ang kasama namin. Ngayon ako naman ang nawalan ng upuan! 😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡," imbyernang saad ni Vice sa kaniyang X nitong Oktubre 24 ng gabi.
"NAPAKAPANGET NG SERBISYO NYO!!! NAPAKAPANGET!!!!!"
https://twitter.com/vicegandako/status/1716803980733698395
https://twitter.com/vicegandako/status/1716804508855181635
"Sistema nyo na ba talaga ang overbooking@flyPAL??? Alam n'yo ba kung gaanong stress ang idinudulot n'yo sa pasaherong di nakakasakay sa binook at binayaran n'yang flyt? May damdamin pa ba kayo ng malasakit para sa pasahero? Pera pera?"
https://twitter.com/vicegandako/status/1716807224629338586
Batay sa reklamo ni Vice, delayed at overbooked ang naging flight sana nila pabalik ng Maynila. Tila galing ang grupo nina Vice sa Bangkok, Thailand.
https://twitter.com/vicegandako/status/1716808818703949918
Agad namang tumugon ang nasitang airlines kay Vice sa pamamagitan din ng X.
"Hi, Vice. We would like to express our apology for the disruption and inconvenience you have faced during what should have been a joyful journey. We truly understand your frustration, and we are genuinely sorry for the trouble this has caused you."
"Your concerns about overbooking have not gone unnoticed. We are here to assure you that we take your feedback to heart and are committed to looking into this matter immediately."
"We were able to retrieve your booking details, and we are already in the process of investigating the issue with our Bangkok station."
"We greatly appreciate your patience and understanding as we work diligently to resolve this matter for you. Expect to hear from us with updates as soon as we receive information from our Bangkok station. Thank you."
Ngunit tila hindi pa nakalma ang comedian-TV host at kinomentuhan ito.
"Pinapalitan nyo ng lungkot at buwisit ang saya na dulot ng excitement sa bawat trip at ligaya ng bawat nabuong memories sa trip ng dahil sa napakapanget nyong sistema! Masaya sana ang bawat alis at pag uwi kung meron kayong malasakit!"
https://twitter.com/vicegandako/status/1716827586003972163
"Walang halong biro naiyak ako habang tumatakbo para umabot ako sa flyt na muntik kong di masakyan dahil nagoverbook kayo. Si Ion inabutan kong mukhang kawawang nasa pinto ng eroplano dahil ayaw nyang sumakay kung di ako makakasakay. Yun ang ginawa nyo sa amin. @flyPAL."
https://twitter.com/vicegandako/status/1716829035777737043
Muling tumugon ang pamunuan ng airlines at nagpaliwanag kay Vice.
"Hi, Vice. We deeply regret the recent incident during your recent flight with us and would like to offer a clear explanation of the situation."
"First and foremost, we want to clarify that the flight was not overbooked, and we operate with the utmost commitment to safety. During pre-flight safety checks, two business class seats were identified as unserviceable due to safety concerns, rendering them unfit for passenger use."
"As a result, you were among the passengers offered a seat downgrade to economy class, a decision made to ensure safety and the operational integrity of the flight."
"We acknowledge that this may have been inconvenient and we extend our sincere apologies for any discomfort you experienced."
"We have received an update that eventually, two alternative passengers were identified and agreed to accept the downgrade offer, allowing you to return to your originally booked business class seats. We appreciate your patience and cooperation during this situation."
"Your feedback is invaluable, and we are dedicated to improving our communication and services for the benefit of all our passengers. If you have any further concerns or suggestions, please do not hesitate to reach out to us directly."
"Thank you for your understanding, and we appreciate your continued support as we strive to enhance the travel experience for everyone on board Philippine Airlines."
Ngunit inalmahan naman ito ni Vice.
"Hindi yan ang sinabi sakin sa counter! Ang sabi ng staff 'THE FLIGHT WAS OVERBOOKED AND MY SEAT WAS GIVEN TO ANOTHER PASSENGER.' MAG BATO BATO PICK NA LANG KAYO NG STAFF SA COUNTER KUNG SINO SA INYO ANG PAL-PAK! YUNG PANALO LIBRE KO NG ROUND TRIP TICKET VIA CATHAY PACIFIC!"
https://twitter.com/vicegandako/status/1716890953817178421
Samantala, hindi na nadugtungan pa ang nabanggit na palitan ng sagot sa pagitan ng dalawa.
Marami naman sa mga netizen ang nagbahagi rin ng kanilang karanasan kaugnay ng mga aberya sa kanilang flight sa nabanggit na airlines. Marami rin ang nagpahatid ng virtual hugs at concerns para sa kanila.