Hiningan din ni DJ Jhai Ho ng pahayag ang basketball player na si Ricci Rivero upang maging patas sa pagitan ng isyu nila ni Bea Borres.

Nabanggit sa parehong episode ng “Marites University” nitong Martes, Oktubre 24, ang tungkol sa planong pagsasampa umano ng kaso ni Bea laban kay Ricci dahil sa naging sagutan ng dalawa sa X kamakailan matapos ibunyag ng huli ang relasyon nito kay beauty queen at Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

MAKI-BALITA: Ricci, pinatulan si Bea: ‘Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit?’

MAKI-BALITA: Ricci ibinunyag relasyon nila ni Leren Mae: ‘Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya’

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“To be fair,” sabi ni Jhai Ho, “because we all want fairness dito sa Marites University…Una kong minessage ang kaniyang manager. Baka kasi masabihan na naman tayo na puro tayo kay Andrea side lang naman. Hindi man lang natin hiningi ang side ni Ricci.”

Pero hindi umano sineen si DJ Jhai Ho ng manager ni Ricci. Kaya sa basketball player na lang siya direktang kumontak at hindi naman siya nabigong makakuha ng tugon.

Ayon kay Ricci, wala umano siyang balak pigilan si Bea sa pakikisawsaw sa isyu nila ni Andrea at sa hindi nito pagmo-move on sa hindi niya pakikipagbalikan sa kaibigan nito.

“Pero doon lang tayo sa totoo, hindi third party si Leren. Alam nila ‘yan. ‘Wag silang pa-clickbait para makuha ang simpatya ng tao at siraan kami,” pahayag ni Ricci kay DJ Jhai Ho.

Hinggil naman sa pagsasampa ng kaso ni Bea, sinabi ni Ricci na una pa lang, alam na alam  naman ng fans kung sino talaga ang tinutukoy ni Bea sa tweet nito kahit hindi na pangalanan pa.

“Nag-reply ako kasi sumusobra na sila. And mayroon naman akong alam sa kanila pareho pero hindi ako nagsasalita. Kasi hindi ako ‘yung tao para manira,” saad pa ni Ricci.

MAKI-BALITA: Bea Borres, sasampahan ng kaso si Ricci Rivero?